There was
But never whole
So there I go
Back in the hole
Is it me closing doors?
Or is it them letting me out?
Once again, I wasn't sure.
Showing posts with label poem. Show all posts
Showing posts with label poem. Show all posts
Sunday, May 10, 2015
Monday, July 7, 2014
Oras-oras
Para kang sirang plaka, sa tenga ko'y paulit ulit na naririnig ang tinig mo.
Minsan tinanong ko ang puso ko. Pag-ibig bang maituturing ito?
Ang sabi'y sa pag-ibig, 'di mo alam ang simula. Pero ngayon, hindi ko na alam kung paano ito hihinto.
Noo'y tinutunaw ko ang pakiramdam na ito, pero ngayo'y tila mga ngiti mo ang tumutunaw sa aking puso.
Kay sarap maramdaman ang pag-ibig na hindi mo alam. Kusa. Walang pagpilit. Walang kapalit. Nagpapaubaya.
Pero walang nagsabing hindi ito makakasakit.
Inoorasan na tayo ng pagkakataon. Nalalapit na paghihiwalay o pagsasama sa habang buhay?

Cycle
Full of words.
Words of love.
Love to you.
You and me.
Me to you.
You are full.
Sunday, June 29, 2014
You and hope
Your word
It's torturing me
It makes me live and die everyday
Your name
It pumps my heart
Like I never wanted to die again
Your face
It melts my entirety
And I never wanted to see beyond
This hope.
It smiles.
It hurts.
It lives and dies.
Everything, at the same time.
Tuesday, December 24, 2013
Puting Dingding
Ni Gazelle Marcaida
Nilibot ko ang aking paningin
Agad na itinanong sa akin
Ano itong panalangin?
Bakit binalot ng dilim?
Nakaposas sa nakaraan
Nakatali sa kinabukasan
Inalis, nasira, nagpumiglas,
Lumaban, nagpatuloy, sa wakas!
Sa puting dingding aking iginuhit
Hindi ang kahapon, hindi ang bukas
Kundi ang ngayong hindi magwawakas
Pagsilang ng kalayaang hindi ipagkakait
Hawak ang isang panulat
Tutuparin ang pangarap
Ako ang magtatakda ng ngayon
Walang bukas, walang kahapon
Sa pagsibol ng bagong panahon
Ang aking mundo'y magbabago
Sa guhit na mayroon ang dingding ng ngayon
Lumiwanag na ang totoo
Bawat linyang aking nilagay
Sinigurong lahat ay magkakamalay
Sa pagtatapos ng isang paraiso
Kalayaan ang aking natamo
Published in Tampipi, the Official Literary Folio of FEU Advocate, 2012

Subscribe to:
Posts (Atom)