Friday, January 17, 2014

Bebang and Poy Wedding 2013


"Book loving couple"

Kay tamis na wedding invitation

Noong nabasa ko pa lang ‘yung invitation, pakiramdam ko, binabasa ko ang sequel ng It’s a mens world, at sa December 30, 2013 ang live na continuation. Na-excite ako lalo noong makita ko ang,

Best man ng Bride, Elijah Sean Siy.

Alam kong magiging kakaiba talaga ang kasalang ito.

at hindi ako nagkamali.

Bago ang kasal
Para akong sinapian ni Napoles noong araw na iyon habang tinatanong ako ng tatay ko kung alam ko kung paano ako makakarating sa pupuntahan kong kasalan noong araw na ‘yun.

“Hindi ko po alam.”

‘Yan lang halos ang sagot ko. Pero dinugtungan ko pa ng, “May mapa naman ako!” Habang pagmamalaki kong ipinakita ang mapa na nasa loob ng kulay orange kong invitation.
Pero noong halos nakabihis na ako, bigla akong nanghina at kwinestiyon ang sarili kung bakit ko na naman naisip makipagsapalaran mag-isa ng naka-dress—takaw tingin sa mga magnanakaw at manyakis sa daan.

“Ayan, tapang-tapangan ka na naman! E paano kung maligaw ka?” sabi ng konsensiya ko.

“E ‘di magtataxi ako, ‘yung MGE!” sagot nung isa pa na hindi ko na alam kung sino.

Sinigurado kong nasa loob ng bag ko yung mapa, maiwan na lahat, ‘wag lang ang mapa.

Pagdating ko sa San Agustin Church, manghang-mangha ako. Bigla kong na-realize na madalas naman ako dati sa may bandang Intramuros, pero hindi ko alam na sa kabila ng pagiging moderno nito at Mcdo sa may entrance, may natitira pa rin palang kwento at alaala ng nakaraan sa pusod nito.

Hindi pa ako sure kung nasa tamang lugar na ako, pero nakita ko si Ej. Si Ej ang laging clue ko sa mga ganitong pagkakataon. Kapag nandoon siya, ibig sabihin, tama ang pinuntahan ko.

Naalala ko pa noong Aklatan 2013, nakita ko si Ej, sinundan ko siya pero iningatan kong ‘wag magmukhang stalker, para lang malaman kung nasaan si ms. Bev, na host pala ng event, pero sa labo ng mata ko, hindi ko kaagad napansin.

Naghintay na muna ako para sa oras na papasukin na ang Beb at Poy batch ng kasalan. Nagmasid ako sa paligid, sa mga taong dumadating. Masaya silang lahat, excited. Wala man akong kakilala, maraming pamilyar na mukha akong nakikita—mga writers, mga sikat na writers!

Habang naghihintay, may mga namigay ng dyaryo na nakatuping parang isang envelope. Sa loob nun, may mga heart-shaped confetti na ginupit mula sa pahina ng mga libro. Tuwang-tuwa ako, dahil sobrang effort nung heart. Perfect heart! Hindi siya kagaya ng heart ko na mukang apple na malapad. Heart talaga, at iyon ang ihahagis mamaya sa bagong kasal.

Note on the confetti pouch

Ilang minuto na ang nakalipas, nakita ko na ang groom, si sir Poy, sa tapat ng pintuan. Maayos na maayos ang buhok niya at naka-bow tie.

Maya-maya pa, may dumating na mini bus. Ngumiti ako. Alam ko na kasi na ‘yun ang bridal car. Ang pinaka-unique na bridal car na nakita ko. Isang mobile library na puno ng dekorasyon ng bulaklak na gawa sa papel.

Mobile Library ng Museong Pambata/Bridal car ni ms. Bev

May babaeng nakaputi sa loob, tumatalon, kumakaway, dinidikit ang mukha sa salamin na akala mo walang make-up. Siya ang bride, si ms. Bev. Noong nakaparada na ang mobile library, saka nito binuksan ang bintana at sumigaw,

“Todo na ‘to!!!”

Walang duda. Ang bride nga talaga ‘yun.

Ang Kasalan
Habang ang lahat ay nag-aabang sa isang mala-kwento sa libro na pagbukas ng pinto at paglabas ng bride papalakad sa aisle, ako lang yata ang nakatingin sa harap—sa groom.

Sa mga ganitong pagkakataon, lagi kong hinahanap ang reaksyon ng groom—ano kayang nararamdaman niya? Ano kaya ang nasa isip niya? Masaya ba siya? Excited ba siya? Iiyak ba siya?

Nakatingin ako kay sir poy. Isang malalim na paghinga ang ginawa niya, at saka uminom ng tubig. Parang ang haba ng oras, parang pa-suspense pa bago tuluyang lumakad sa red carpet ang pinakamagandang babae sa mata ni sir poy—at syempre para sa amin din sa araw na iyon.

Paglakad ng bride, isang mala-angel Gabriel na boses ang kumawala at nagsabog ng kakiligan sa buong simbahan.

“Panalangin ko sa habang buhay. Makapiling ka. Makasama ka. ‘Yan ang panalangin ko, wooh…”

‘tas natunaw ako.

Pero pinigilan ko, kasi hindi naman ako 'yung bride.

Pero, ‘yun ang unang beses na nakakita ako ng hinaharana ng groom 'yung bride habang naglalakad ito papalapit sa kanya. Hay, kilig na dama hanggang lamang-loob.

“Sana naman ay nakikinig kaaaa. Kung aking sasabihing, minamahal kita-aaaa”

Tumingin na ako kay ms. Bev, at natawa ng onti sa pagkaka-timing ng lyrics sa ginagawa niya. Panay kasi ang linga niya sa mga audience. Ang ganda at simple lang ng gown niya, takaw-pansin din ang bouquet na gawa sa papel, at isang personalized white rubber shoes na nagtatago sa loob ng long gown niya.

Kalagitnaan ng aisle, saka siya tumingin sa harap at nakapag-concentrate. Lingid sa kaalaman ng karamihan, isang “emergency” pala ang nangyari.

Ito ang ipinost ni sir Poy sa kanyang facebook account:

Ang hindi alam ng marami, may konting 'emergency' na nangyayari dito kaya na lang hindi kami nakafocus ng maayos sa misa. Nagdudugo kasi ang likod ng ulo ni Beb dahil sa biglang ipinasak na hairpin bago magbukas ang mga pinto ng simbahan.  Hahaha. Kahit kailan comedy.
Photo by ms. Vivian Limpin (got it from sir Poy's fb account)

Palabas ng simbahan, isinaboy na ang heart-shaped na confetti sa bagong kasal. Hindi ko naihagis ‘yung sa akin. Ewan ko ba, lumagpas na pala sila, hindi umabot ‘yung confetti ko.

Madaming nagpa-picture sa bagong kasal, pati na mga foreigner na namamasyal doon, naengganyo sa paper bouquet at personalized rubber shoes ni ms. Bev. Para pa silang naging tourist spot. Bibong bibo naman si ms. Bev ng pagsabing,

“Enjoy your stay here in the Philippines!” (non verbatim)

 
Ms. Bev and her personalized shoes (di ko ma-rotate T.T)

Sa gitna ng mga nagppicture, nakita ako ni ms. Bev, nahiya akong makisabay sa mga nagpapapicture sa kanila na hindi naman ako kakilala, so nagflying kiss na lang ako, sign ng ‘congrats’ ko. Pero pagkatapos noong nth batch na ‘yun, na-solo ko sila sa picture, sa camera ng iba!

‘Yan na nga ba ang isang rason kung bakit dapat nagsama ako ng kahit isa lang. Para may magpicture sa akin. 
Preview ng honeymoon Reception
Pagdating sa reception area, makikita ang mga libro na ready nang ibenta anytime sa kanilang mini book fair. Nasa gilid na rin ang sorbetes at cotton candy na akala ko noong una ay display lang pero eat-all-you-can pala.

Pumila ako para malaman ang aking table number. Number 11. May kasama pang bookmark na may pangalan ng bawat bisita. Effort! Galing!

Personalized bookmark
 
Sa table number 11 ko na-meet si Giselle. ‘Yung nakita ko sa facebook na gumagawa ng mga hand-sewn at cute na cute na mga book pouch, bookmarks, atbp.

At sa reception ko na nga nasaksihan ang iba pang ka-unique-an ng kasalang ito. Book displays sa table, na may mga paper-mini-bride-and-groom design, pretzels at iba pang mga cookies, at candy buffet. Grabe, ikakamatay ko na talaga ang diabetes, at ready na ako doon.

Mini Beb at Poy table displays
Ang design ng harap, gaya nga ng sinabi ng mga host na si sir Eros at ms. Eris, ay tila preview ng kanilang honeymoon—parang sala look-a-like dahil sa sofa, at mga bookshelves na nakadesign sa paligid ng sofa. May mga chandelier-like design din na gawa sa pages ng libro. 
 
Libro, libro, libro. As in libro everywhere, and I super love it!

Reception at Ramon Magsaysay Hall

Sinimulan ang ceremony sa reception ng pagpasok ng bagong kasal at pagbibigay ng kanilang mga vows, at ito talaga ang pinaka tumatak sa akin na mga sinabi nila.

Poy: The moment I loved you… it never ends. There is always something new to love about you. Ang dami dami daming beses kitang minamahal.

Bebang: Hindi ko inaakalang magkakaroon ako ng isang pamilya sa pamamagitan mo. Kasi noong una kitang Makita, mukha kang assassin… Pangako ko, susuportahan kita sa kahit na anong plano mo na may kinalaman sa libro.

Then, ang first dance nila ay hindi ang traditional na slow dance. ‘Yung sa kanila ay parang dance revo na upbeat music ng “Time of my life”—sila ang nagbigay ng aliw sa mga bisita.

Please watch this video. Tas isipin niyo na lang, yung characters ay sila ms. Bev at sir Poy. Itong ito yung video (yata) na ginayahan ng steps nila.



Marami pang mga cultural at inspirational talents ang ipinakita during the program at talaga naming tatak pinoy ang mga talentong ito na nagpapakitang napakayaman ng kultura natin. Nakakatuwa rin na sa isang kasal ko pa nakita ang mga ganitong mga pagtatanghal.

Nakakabilib, dahil hindi sa lahat ng pagkakataon, makakakita ka ng mga presentation na akala mo sa teatro mo lang pwede makita, o kaya tuwing independence day. Pero pwede na rin, kasi Rizal day naman. Pero iba pa rin talaga dahil wedding ang okasyon. Hindi lang puro pa-sweet ang tema, kumbaga sa tomato sauce ng spaghetti, pinoy style!

Isa rin sa nagpakilig sa hapon na iyon ang isang Short Film na pinagbibidahan ng bagong kasal. Hindi lang ito isang pre-nup video, isang short film pre-nup video na nagpapakita ng kwento ng bagong mag-asawa. Ang title ng short film na ito ay, Bogambilya (directed by Jon Lazam).


Gustong gusto ko kung paanong nagamit ang libro bilang representasyon ng buhay nila, at kung paanong ang pagdating ng isa ang nagresulta sa isang pagbabago tungo sa isang happy ending ng kwento. Hindi ko alam kung tama ‘yung pagkaka-interpret ko, pero sa ganoong paraan ko naintindihan ang kwento, kung paano ito naging ‘pre-nup’—dahil ‘yun ang kwento nila, bago ang kasalan.

Syempre, natapos ang event sa isang pag-awit ni Ms. Mae Catibog ng Rosas ng Digma habang nagpe-perform si Ej ng Tai Chi at Wushu.

Here's the SDE of the wedding (by idigitizer):


Very unique talaga ang kasalang ito. As in personalized ang tema. Tipong pang Beb at Poy lang ito, hindi pwedeng gayahin. Dahil bawat dekorasyon, bawat detalye mula sa wedding cord hanggang sa sapatos, sa bridal car, sa reception, sa book fair sa reception, sa candy buffet, sa sorbetes, sa cotton candy, lahat!

Lahat ng ‘yun, may mensahe at sumasalim sa kanilang dalawa—sa kanilang hilig, gusto, pagkakapareho at pagkakaiba. At higit sa lahat, ang kabuuan ng kasal ay nagpakita ng tunay na pagkakaibigan, na hindi ko man alam ang buong kwento, alam kong ang mga taong nakapaligid sa kanila ang mga tumulong upang maging successful ang isang napaka-memorable na pangyayaring ito sa kanilang mga buhay.

Many waters cannot quench love; rivers cannot wash it away... Song of Songs 8:7a

=======================================================================

PS.
Nagpapasalamat po ako sa family na nagpasabay sa akin sa MGE Taxi papuntang reception. Habang nagaabang ng taxi, may nakita akong MGE, kaya lang may sakay na pala. Bigla na lang akong hinintuan at tinanong ako kung doon din ba sa reception ang punta ko. Sumagot ako ng oo, at inaya akong sumabay na lang sa kanila. Nag-isip ako in a split second:

“Nasa harap, sa tabi ng driver naman yung lalaki, babae at bata ang nasa likod, madali lang ako makakatakas kung sakali man.”

Ako na talaga ang pinaka-paranoid na kilala ko sa buong mundo. Pero feeling ko, bigay sila ni Lord para hindi ako maligaw. Sorry, nakalimutan ko yung names nila, pero taga-MSU si sir na friend ni ms. Bev. Nagturo din pala siya sa FEU dati kaya ang galing, may connection!

PS.
Sobrang na-inspire ako na makapunta sa wedding na ito, kahit initially, hindi talaga ako invited. Hahahaha. Sobrang na-inspire kasi ako sa love story nila. Basta, ang galing lang how everything seems to be perfect for the both of them. Though there are rough times, normal 'yun sa isang relationship, they still ended up being together, forever. By seeing this remarkable event personally, it made me believe in love, again (maraming marami kasi akong hinanakit sa pag-ibig na 'yan! Hahahaha!)--that there is true love, and it comes in many forms--special someone, family, friends, and it sums up the entire day of the wedding on the day of the one of the greatest writer and hero of our country.

Thursday, January 2, 2014

Highlights of my 2013

JANUARY

Rice terraces on the way to Kalinga Province
Photo (c) Randy Payang
First out of town shoot---Kalinga Province
- kalinga coffee
- sleeping beauty mountain
- Fang Oud, the last mambabatuk
- 1 hour trek
- Butbut tribe
- Cordillera mountain range
- 50's Diner @ Baguio

FEBRUARY

Young People at LCC Church for the Post Valentine Celebration
Photo (c) Me (kaya wala ako e :p)

First Post-Valentine Celebration
"A love that is not true will lust, a love that is true will last," Ptr. Ness said during his Sermon of the Gospel with the topic, RATED: R (Righteousness)

MARCH

Japheth Ness Marcaida and the awesome panganay ;)
Photo (c) Ganaze Marcaida
Bunso's highschool graduation. Everyone's in college na! ;)

APRIL

My youngblood article with Blizzard treat for myself!
Photo (c) Me
Got published in Philippine Daily Inquirer's Youngblood!
Read the article: Good, but deceptive

RN Team with the Sangkalikasan, Boracay
Photo (c) si ate from Sangkalikasan team
First local flight---Boracay shoot for Summer Special!

Voter. I can make reklamo.
Photo (c) Me
Voted during the National Elections, making use of the 'media' privilege. Oh yeah!

MAY

Bday Celebration @ Vikings
Photo (c) Tina Rellon

 Got a birthday surprise from my RN girlfriends (Jaymee, Ate Elaine, Ate Cess), few days before 24
Lunch with my family
Dinner with Ate Cess and Tinabels @Vikings

War Room (Davao, 1st day and COMELEC, 2nd day)
Photo (c) Me
 First ever election duty
Yeah! Lezz do diz. Para sa bayan! at RAKET!

Nick Vujicic's 2nd book
Photo (c) Me
Saw Nick in person, twice this month!
at Tiendisitas with myself and at Araneta Coliseum with ate Elaine
I super love the chapter 3 of this book! <3

JUNE

with Kuya Ian @ EK
Photo (c) Ian Simbulan
GMA @ EK. Hurrah for family day! :)

JULY

Ang promotional poster na hindi pwedeng ipromote!
Photo (c) Me
Took part and witnessed the proposal of the century during the Dawnwatch Culmination day!


AUGUST

With the lovers of the century
Photo (c) Nestor Marcaida
 Had a dinner treat with the lovers of the century at Dad's, Saisaki, and Kamayan Restaurant

SEPTEMBER

AKLATAN 2013
Photo (c) si kuya from Anvil Publishing
 First ever book affair stuff! Of course, with the ever beautiful, Ms. Bebang. Finally, we met after almost two years! :)


Nilagpasan niya ako, nagets ko na. Hindi niya ako naaalala. Inabot ko ang libro para pirmahan niya.
"Hi, parang nagkita na tayo!"
Ngumiti ako at sa isip ko, "yes! Naalala na niya".
Sabay sabing, anong name mo? (Para ilalagay sa book).
"Gazelle po". (naku, hindi pala ata)
"Anong spelling?"
Sinulat ko sa isang papel ang spelling.
Kitang kita ang singkit na mata niyang biglang nanlaki matapos mabasa ang pangalan ko. yes, narealize niya na sa wakas! 

Le PDAFers
Photo (c) ELAINE MAGBOO (naka-capital pa ha! ;p)
Digested the COA Reports, scrutinized the NGOs, tallied the corrupted kaban ng bayan, and voila! Sleepless nights but we rock!

OCTOBER

Filipino-authored books
Photo (c) Me
 Participated in the Visprint's Warehouse Sale. Booookkksssssss Galore!

My Bible
Photo (c) Me 
Got a one-week sermon from the Lord. The most unforgettable encounter with God. It's as if I'm learning directly under His feet. Such an awesome feeling!

Here's some of it:

Sunday: 1 Cor. 10:31 -"...whatever you do, do it all for the glory of God."
Monday: 1 Cor. 15:57 - "He gives us the victory through our Lord Jesus Christ"
Tuesday: John 14:27 - "I am leaving you with a gift---peace of mind and heart..."
Wednesday: 1 Corinthians 2:5-11 - "Forgiveness for the offender"
Thursday: John 20:19-23 - God asked me, "Are you willing?"
Friday: Romans 12:19-21 - "Don't let evil conquer you, but conquer evil by doing good"
Saturday: Psalm 3:3 - "But you, O Lord, are shield for me, my glory, and the lifter of my head"

Isn't He a sweet, sweet, God? :')

NOVEMBER

Tawiran sa COP
Photo (c) Ganaze Marcaida
2nd Harvest Conference at COP!

JTR Media
Photo (c) Ganaze Marcaida
I'm glad that this year, I had it with my MEDIA FAMILY <3

DECEMBER

Mini Bebang and Poy
Photo (c) Me 
 The most awaited, ever funny, and book-inspired wedding of the year! This is really a wonderful opportunity, to be a part of a very remarkable chapter of their lives. Ms. Bebang and Sir Poy's story is really inspiring and overwhelming. :3

Giselle and Me
Photo (c) Debbie Vivo
 And finally, I met the owner of Crazy Dreamy Crafts, shop ng mga bookmarks and book pouch na hand-sewn! 

So now, cheers to 2013! For all the firsts, achieved dreams, and remarkable adventures... I'm more than ready, 2014! ;)

Photo (c) Ganaze Marcaida



Tuesday, December 24, 2013

Puting Dingding

Ni Gazelle Marcaida

Nilibot ko ang aking paningin
Agad na itinanong sa akin
Ano itong panalangin?
Bakit binalot ng dilim?

Nakaposas sa nakaraan
Nakatali sa kinabukasan
Inalis, nasira, nagpumiglas,
Lumaban, nagpatuloy, sa wakas!

Sa puting dingding aking iginuhit
Hindi ang kahapon, hindi ang bukas
Kundi ang ngayong hindi magwawakas
Pagsilang ng kalayaang hindi ipagkakait

Hawak ang isang panulat
Tutuparin ang pangarap
Ako ang magtatakda ng ngayon
Walang bukas, walang kahapon

Sa pagsibol ng bagong panahon
Ang aking mundo'y magbabago
Sa guhit na mayroon ang dingding ng ngayon
Lumiwanag na ang totoo

Bawat linyang aking nilagay
Sinigurong lahat ay magkakamalay
Sa pagtatapos ng isang paraiso
Kalayaan ang aking natamo


Published in Tampipi, the Official Literary Folio of FEU Advocate, 2012

Tiket

Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng isang napaka-importanteng kaganapan sa buhay ng isang tao. Bawat imbitasyon ay nagpapakita na ikaw ay isa sa mga napiling makibahagi para sa isang malaking okasyon sa buhay nila. Simple man ito, o bongga.

*insert rewind sfx*

Okay, fine. Hindi talaga ako invited...

Nung una.

Pero invited nako.

Kasi inimbitahan ko yung sarili ko.

Hahahaha.

Plug ito ng susunod na review sa blog ko na ito.

Honestly, maliban sa nilamon ng kumpanya ang 24 oras ng buhay ko, hindi ko rin mahanap talaga ang inspirasyon na makapagsulat uli (mood writer kasi ako e -.-). Pero, months ago, may isang bagay lang talaga akong gustong isulat, pero akala ko di na matutupad.

Sobrang timing.

Bakasyon grande.

Maraming oras na magsulat.

Maraming oras na maka-attend sa isang napakagandang event.

Tiket... Sure na 'to!
There's one thing about their story that I admire most---it makes me believe that it exists... that love is real. (A Wedding Review, soon in this blog)

Sa wakas, may tiket nako! :3 <3

12.30.13

Saturday, September 22, 2012

Conrado L. Venzon, IV (Birthday)


"TwenteenTwo"

Sponsors: Thank you CakesRUs for the Cupcake
and Pizza Hut for the Sundae ^^

Sa dinami-dami ng instant ngayon, pati pala surprise celebration instant na rin.

Suntok sa buwan ang pagprepare ko ng celebration na 'to. Kumbaga, humahagulgol si kuya ng 2pm, 7pm, may surprise na ako. Kamusta naman ang 5 hours, e nanggaling pa ako sa trabaho?!

I don't know. I just had this sudden urge na i-surprise ang iyakin at ever kuripot kong kuya... Happy Birthday kuya Nikko! ^^ Sana natuwa ka, hihi...

It's been a while since I last surprised a person. When I do that, there must be something special para pagtuunan kita ng pansin. Mas gusto ko kasi na ako ang sinu-surprise e. 

Looking back, it's been five years na rin pala nung una kaming nagkakilala ni kuya. Yeah, he was the first "man" (hindi ko akalaing iko-kowt ko 'to :p) na kinaiinisan ko dati. We're not close. We're just part of the same circle of friends. Pero most of the time, hindi kami magkasama.

Nikko, Gaze Mac at Paragon whatever event ('di ko na maalala, hoho)

Mac, Gaze, Nikko at Trinoma or SM North? Basta sa escalavator 'to!

Our circle of friends at Trinoma or SM North?

Kaming tatlo talaga 'yung madalas magkasama, pero mas close ako kay Macoy. Hanggang isang araw, naiwan kami ni Kuya Nikko sa isang teambuilding. Ang nasa isip ko n'un... "Ayoko! Gusto ko si Macoy ang kasama ko." (o di ba, meldi lang :p)

Bus going to Caliraya, Laguna. Paragon Leadership Training and Teambuilding

While in the trip, hindi naman kami naging close. Mas naiinis pa yata ako n'un sa kanya e. Kahit hanggang makabalik kami ng Manila.

But I don't know kung anong klaseng ihip meron ang hangin at dinala kami sa isang relasyong mas malalim pa sa inaakala naming mangyayari...

Ang kontrobersyal na holding hands. Haha!

Syempre hindi naging kami, duh? We treat each other now as family. Pinakilala pa nga niya ako sa buong angkan ng Venzon...

Gaze, Jaja, Nikko at Venzon's Family Reunion

Nakakatawa lang kasi akala nila kami talaga. Tinuturuan pa nila akong magnecktie. Kamusta naman? Being close with this freak guy na hindi nagpapalit ng medyas (peace kuya!) has never passed my mind. Maybe, these kind of events are the spices of our lives. They give a kicking taste in a way you never expected. With this, it's a memory worth to be treasured, not buried but shared.

Ayan, sa paglipas nga ng mga araw, mas naging close pa kami... simula nung may buhok pa siya...

Random picture at FEU

Random picture at FEU

FilmSoc General Assembly: X-men costume

After ng sayaw namin sa Audie

Nagregaluhan kami ni kuya ng chocolate nung Valentine's Day ^^

Sumbrero peg shot

Reviving Paragon

Random picture inside the classroom

Random picture inside the P.E room

At Trinoma. Birthday ni Eden or ni Mona?

...hanggang sa unti-unti na ring nakita ang bunbunan ni kuya...

Radio Tour sa DZXL RMN558, Radyo Mo, Nationwide!

Sa LRT... ito yata 'yung galing kami kina Barney because of Journalism?

???
Wala tayong recent picture kuya?! Yung truly? Magkasama pa naman tayo kanina!

...to follow na lang 'yung picture ko with kuya's shining, shimmering bunbunan. :)

And 'yun nga. For this eve ng Birthday ni kuya, I bought a simple cupcake for his birthday. Was planning lang sana ng music from Pizza Hut na 'Happy Birthday', then blow the candle. Pero mas naging bongga pa siya kaysa sa inexpect ko. Thanks talaga Pizza Hut!

After buying the cupcake... I reserved two seats sa Pizza Hut. That's the time that I requested for the simple surprise. Pagdating ni kuya, hindi pa sila ready, so I asked him to cover his face with the menu... Then bigla na lang nabulabog ang buong Pizza Hut nung nagkantahan na ng 'own version' nila ng Birthday Song 'yung mga staff, with tambourine pa! Nagulat na si kuya (pati ako), kaya sinindihan ko kaagad 'yung candle sa cupcake. Nakakagulat din 'yung bata na lumapit after ng birthday song, akala niya yata siya 'yung magbblow ng candle :p

Masyadong mabilis 'yung pangyayari. Hindi ko man lang nadocument kasi hindi talaga ako prepared (lowbatt 'yung phone ko!) kanina. It was a simple yet a remarkable one (pinuri ko talaga 'yung sarili kong surprise?! XD)


Smiling kuya... yey! ^^ Mission Accomplished!

Birthday ko rin? hihi...

Only one wish for you kuya. Matupad 'yung wi-nish mo kanina. God bless! I love youuuu! :***

Always remember, maraming nagmamahal sa'yo, minsan talaga may conflict, may awayan, may tampuhan. Ganun talaga, pero at the end of it all, what matters most is 'yung pinagsamahan niyo.

Ang family, parang sundae na binigay ng Pizza Hut... walang kapalit. :')


PS.
Happy 3 months dearest blog! :')