Friday, January 17, 2014

Bebang and Poy Wedding 2013


"Book loving couple"

Kay tamis na wedding invitation

Noong nabasa ko pa lang ‘yung invitation, pakiramdam ko, binabasa ko ang sequel ng It’s a mens world, at sa December 30, 2013 ang live na continuation. Na-excite ako lalo noong makita ko ang,

Best man ng Bride, Elijah Sean Siy.

Alam kong magiging kakaiba talaga ang kasalang ito.

at hindi ako nagkamali.

Bago ang kasal
Para akong sinapian ni Napoles noong araw na iyon habang tinatanong ako ng tatay ko kung alam ko kung paano ako makakarating sa pupuntahan kong kasalan noong araw na ‘yun.

“Hindi ko po alam.”

‘Yan lang halos ang sagot ko. Pero dinugtungan ko pa ng, “May mapa naman ako!” Habang pagmamalaki kong ipinakita ang mapa na nasa loob ng kulay orange kong invitation.
Pero noong halos nakabihis na ako, bigla akong nanghina at kwinestiyon ang sarili kung bakit ko na naman naisip makipagsapalaran mag-isa ng naka-dress—takaw tingin sa mga magnanakaw at manyakis sa daan.

“Ayan, tapang-tapangan ka na naman! E paano kung maligaw ka?” sabi ng konsensiya ko.

“E ‘di magtataxi ako, ‘yung MGE!” sagot nung isa pa na hindi ko na alam kung sino.

Sinigurado kong nasa loob ng bag ko yung mapa, maiwan na lahat, ‘wag lang ang mapa.

Pagdating ko sa San Agustin Church, manghang-mangha ako. Bigla kong na-realize na madalas naman ako dati sa may bandang Intramuros, pero hindi ko alam na sa kabila ng pagiging moderno nito at Mcdo sa may entrance, may natitira pa rin palang kwento at alaala ng nakaraan sa pusod nito.

Hindi pa ako sure kung nasa tamang lugar na ako, pero nakita ko si Ej. Si Ej ang laging clue ko sa mga ganitong pagkakataon. Kapag nandoon siya, ibig sabihin, tama ang pinuntahan ko.

Naalala ko pa noong Aklatan 2013, nakita ko si Ej, sinundan ko siya pero iningatan kong ‘wag magmukhang stalker, para lang malaman kung nasaan si ms. Bev, na host pala ng event, pero sa labo ng mata ko, hindi ko kaagad napansin.

Naghintay na muna ako para sa oras na papasukin na ang Beb at Poy batch ng kasalan. Nagmasid ako sa paligid, sa mga taong dumadating. Masaya silang lahat, excited. Wala man akong kakilala, maraming pamilyar na mukha akong nakikita—mga writers, mga sikat na writers!

Habang naghihintay, may mga namigay ng dyaryo na nakatuping parang isang envelope. Sa loob nun, may mga heart-shaped confetti na ginupit mula sa pahina ng mga libro. Tuwang-tuwa ako, dahil sobrang effort nung heart. Perfect heart! Hindi siya kagaya ng heart ko na mukang apple na malapad. Heart talaga, at iyon ang ihahagis mamaya sa bagong kasal.

Note on the confetti pouch

Ilang minuto na ang nakalipas, nakita ko na ang groom, si sir Poy, sa tapat ng pintuan. Maayos na maayos ang buhok niya at naka-bow tie.

Maya-maya pa, may dumating na mini bus. Ngumiti ako. Alam ko na kasi na ‘yun ang bridal car. Ang pinaka-unique na bridal car na nakita ko. Isang mobile library na puno ng dekorasyon ng bulaklak na gawa sa papel.

Mobile Library ng Museong Pambata/Bridal car ni ms. Bev

May babaeng nakaputi sa loob, tumatalon, kumakaway, dinidikit ang mukha sa salamin na akala mo walang make-up. Siya ang bride, si ms. Bev. Noong nakaparada na ang mobile library, saka nito binuksan ang bintana at sumigaw,

“Todo na ‘to!!!”

Walang duda. Ang bride nga talaga ‘yun.

Ang Kasalan
Habang ang lahat ay nag-aabang sa isang mala-kwento sa libro na pagbukas ng pinto at paglabas ng bride papalakad sa aisle, ako lang yata ang nakatingin sa harap—sa groom.

Sa mga ganitong pagkakataon, lagi kong hinahanap ang reaksyon ng groom—ano kayang nararamdaman niya? Ano kaya ang nasa isip niya? Masaya ba siya? Excited ba siya? Iiyak ba siya?

Nakatingin ako kay sir poy. Isang malalim na paghinga ang ginawa niya, at saka uminom ng tubig. Parang ang haba ng oras, parang pa-suspense pa bago tuluyang lumakad sa red carpet ang pinakamagandang babae sa mata ni sir poy—at syempre para sa amin din sa araw na iyon.

Paglakad ng bride, isang mala-angel Gabriel na boses ang kumawala at nagsabog ng kakiligan sa buong simbahan.

“Panalangin ko sa habang buhay. Makapiling ka. Makasama ka. ‘Yan ang panalangin ko, wooh…”

‘tas natunaw ako.

Pero pinigilan ko, kasi hindi naman ako 'yung bride.

Pero, ‘yun ang unang beses na nakakita ako ng hinaharana ng groom 'yung bride habang naglalakad ito papalapit sa kanya. Hay, kilig na dama hanggang lamang-loob.

“Sana naman ay nakikinig kaaaa. Kung aking sasabihing, minamahal kita-aaaa”

Tumingin na ako kay ms. Bev, at natawa ng onti sa pagkaka-timing ng lyrics sa ginagawa niya. Panay kasi ang linga niya sa mga audience. Ang ganda at simple lang ng gown niya, takaw-pansin din ang bouquet na gawa sa papel, at isang personalized white rubber shoes na nagtatago sa loob ng long gown niya.

Kalagitnaan ng aisle, saka siya tumingin sa harap at nakapag-concentrate. Lingid sa kaalaman ng karamihan, isang “emergency” pala ang nangyari.

Ito ang ipinost ni sir Poy sa kanyang facebook account:

Ang hindi alam ng marami, may konting 'emergency' na nangyayari dito kaya na lang hindi kami nakafocus ng maayos sa misa. Nagdudugo kasi ang likod ng ulo ni Beb dahil sa biglang ipinasak na hairpin bago magbukas ang mga pinto ng simbahan.  Hahaha. Kahit kailan comedy.
Photo by ms. Vivian Limpin (got it from sir Poy's fb account)

Palabas ng simbahan, isinaboy na ang heart-shaped na confetti sa bagong kasal. Hindi ko naihagis ‘yung sa akin. Ewan ko ba, lumagpas na pala sila, hindi umabot ‘yung confetti ko.

Madaming nagpa-picture sa bagong kasal, pati na mga foreigner na namamasyal doon, naengganyo sa paper bouquet at personalized rubber shoes ni ms. Bev. Para pa silang naging tourist spot. Bibong bibo naman si ms. Bev ng pagsabing,

“Enjoy your stay here in the Philippines!” (non verbatim)

 
Ms. Bev and her personalized shoes (di ko ma-rotate T.T)

Sa gitna ng mga nagppicture, nakita ako ni ms. Bev, nahiya akong makisabay sa mga nagpapapicture sa kanila na hindi naman ako kakilala, so nagflying kiss na lang ako, sign ng ‘congrats’ ko. Pero pagkatapos noong nth batch na ‘yun, na-solo ko sila sa picture, sa camera ng iba!

‘Yan na nga ba ang isang rason kung bakit dapat nagsama ako ng kahit isa lang. Para may magpicture sa akin. 
Preview ng honeymoon Reception
Pagdating sa reception area, makikita ang mga libro na ready nang ibenta anytime sa kanilang mini book fair. Nasa gilid na rin ang sorbetes at cotton candy na akala ko noong una ay display lang pero eat-all-you-can pala.

Pumila ako para malaman ang aking table number. Number 11. May kasama pang bookmark na may pangalan ng bawat bisita. Effort! Galing!

Personalized bookmark
 
Sa table number 11 ko na-meet si Giselle. ‘Yung nakita ko sa facebook na gumagawa ng mga hand-sewn at cute na cute na mga book pouch, bookmarks, atbp.

At sa reception ko na nga nasaksihan ang iba pang ka-unique-an ng kasalang ito. Book displays sa table, na may mga paper-mini-bride-and-groom design, pretzels at iba pang mga cookies, at candy buffet. Grabe, ikakamatay ko na talaga ang diabetes, at ready na ako doon.

Mini Beb at Poy table displays
Ang design ng harap, gaya nga ng sinabi ng mga host na si sir Eros at ms. Eris, ay tila preview ng kanilang honeymoon—parang sala look-a-like dahil sa sofa, at mga bookshelves na nakadesign sa paligid ng sofa. May mga chandelier-like design din na gawa sa pages ng libro. 
 
Libro, libro, libro. As in libro everywhere, and I super love it!

Reception at Ramon Magsaysay Hall

Sinimulan ang ceremony sa reception ng pagpasok ng bagong kasal at pagbibigay ng kanilang mga vows, at ito talaga ang pinaka tumatak sa akin na mga sinabi nila.

Poy: The moment I loved you… it never ends. There is always something new to love about you. Ang dami dami daming beses kitang minamahal.

Bebang: Hindi ko inaakalang magkakaroon ako ng isang pamilya sa pamamagitan mo. Kasi noong una kitang Makita, mukha kang assassin… Pangako ko, susuportahan kita sa kahit na anong plano mo na may kinalaman sa libro.

Then, ang first dance nila ay hindi ang traditional na slow dance. ‘Yung sa kanila ay parang dance revo na upbeat music ng “Time of my life”—sila ang nagbigay ng aliw sa mga bisita.

Please watch this video. Tas isipin niyo na lang, yung characters ay sila ms. Bev at sir Poy. Itong ito yung video (yata) na ginayahan ng steps nila.



Marami pang mga cultural at inspirational talents ang ipinakita during the program at talaga naming tatak pinoy ang mga talentong ito na nagpapakitang napakayaman ng kultura natin. Nakakatuwa rin na sa isang kasal ko pa nakita ang mga ganitong mga pagtatanghal.

Nakakabilib, dahil hindi sa lahat ng pagkakataon, makakakita ka ng mga presentation na akala mo sa teatro mo lang pwede makita, o kaya tuwing independence day. Pero pwede na rin, kasi Rizal day naman. Pero iba pa rin talaga dahil wedding ang okasyon. Hindi lang puro pa-sweet ang tema, kumbaga sa tomato sauce ng spaghetti, pinoy style!

Isa rin sa nagpakilig sa hapon na iyon ang isang Short Film na pinagbibidahan ng bagong kasal. Hindi lang ito isang pre-nup video, isang short film pre-nup video na nagpapakita ng kwento ng bagong mag-asawa. Ang title ng short film na ito ay, Bogambilya (directed by Jon Lazam).


Gustong gusto ko kung paanong nagamit ang libro bilang representasyon ng buhay nila, at kung paanong ang pagdating ng isa ang nagresulta sa isang pagbabago tungo sa isang happy ending ng kwento. Hindi ko alam kung tama ‘yung pagkaka-interpret ko, pero sa ganoong paraan ko naintindihan ang kwento, kung paano ito naging ‘pre-nup’—dahil ‘yun ang kwento nila, bago ang kasalan.

Syempre, natapos ang event sa isang pag-awit ni Ms. Mae Catibog ng Rosas ng Digma habang nagpe-perform si Ej ng Tai Chi at Wushu.

Here's the SDE of the wedding (by idigitizer):


Very unique talaga ang kasalang ito. As in personalized ang tema. Tipong pang Beb at Poy lang ito, hindi pwedeng gayahin. Dahil bawat dekorasyon, bawat detalye mula sa wedding cord hanggang sa sapatos, sa bridal car, sa reception, sa book fair sa reception, sa candy buffet, sa sorbetes, sa cotton candy, lahat!

Lahat ng ‘yun, may mensahe at sumasalim sa kanilang dalawa—sa kanilang hilig, gusto, pagkakapareho at pagkakaiba. At higit sa lahat, ang kabuuan ng kasal ay nagpakita ng tunay na pagkakaibigan, na hindi ko man alam ang buong kwento, alam kong ang mga taong nakapaligid sa kanila ang mga tumulong upang maging successful ang isang napaka-memorable na pangyayaring ito sa kanilang mga buhay.

Many waters cannot quench love; rivers cannot wash it away... Song of Songs 8:7a

=======================================================================

PS.
Nagpapasalamat po ako sa family na nagpasabay sa akin sa MGE Taxi papuntang reception. Habang nagaabang ng taxi, may nakita akong MGE, kaya lang may sakay na pala. Bigla na lang akong hinintuan at tinanong ako kung doon din ba sa reception ang punta ko. Sumagot ako ng oo, at inaya akong sumabay na lang sa kanila. Nag-isip ako in a split second:

“Nasa harap, sa tabi ng driver naman yung lalaki, babae at bata ang nasa likod, madali lang ako makakatakas kung sakali man.”

Ako na talaga ang pinaka-paranoid na kilala ko sa buong mundo. Pero feeling ko, bigay sila ni Lord para hindi ako maligaw. Sorry, nakalimutan ko yung names nila, pero taga-MSU si sir na friend ni ms. Bev. Nagturo din pala siya sa FEU dati kaya ang galing, may connection!

PS.
Sobrang na-inspire ako na makapunta sa wedding na ito, kahit initially, hindi talaga ako invited. Hahahaha. Sobrang na-inspire kasi ako sa love story nila. Basta, ang galing lang how everything seems to be perfect for the both of them. Though there are rough times, normal 'yun sa isang relationship, they still ended up being together, forever. By seeing this remarkable event personally, it made me believe in love, again (maraming marami kasi akong hinanakit sa pag-ibig na 'yan! Hahahaha!)--that there is true love, and it comes in many forms--special someone, family, friends, and it sums up the entire day of the wedding on the day of the one of the greatest writer and hero of our country.

No comments:

Post a Comment