Ang pag-ibig ay parang isang karagatan, hindi mo alam kung ano ang hatid nito: Akala mo’y payapa pero sa ilalim ay may nagngangalit na mga pating, o kaya nama’y maalon pero sumasabay lang pala sa himig ng isang awitin.
Haaay, unang pag-ibig! Masaya? Nakakakilig? Ganun talaga! Lahat ng unang beses, tatatak sa’yo. Lahat din ng una, pinaglalaanan ng panahon at pera na handa mong ibigay ng buong-buo. Tulad na lang ng baon mo sa iskul para makabili ng kahit na anong hilingin niya. Pag-iipunan mo bawat mapulang rosas at matamis na tsokolate.
Naaalala mo pa ba nung oras na dapat ay tumutulong ka sa mga kaklase mo para sa isang proyekto sa iskul? Nagsakit-sakitan ka para lang makauwi kaagad at makasama siya dahil ayaw mong isipin niya na nawawalan ka na ng oras sa kanya.
Lahat ‘yun binibigay mo ng kusa at walang pag-aalinlangan. Kahit ano, kahit kailan, kahit saan. Para ka mang si Batman, lahat gagawin mo kasi mahalaga siya, kasi mahal mo siya.
Bawat Minutesary, Daysary, Monthsary, at Anniversary hindi mo pwedeng makalimutan. Lahat ng detalye ng unang lugar kung saan mo siya unang nakita, unang pagkakataon na hinawakan niya ang iyong kamay, unang “I love you”, unang pagkain na kinain n’yo sa pinakaunang restawran na kinainan n’yo sa unang araw na pumayag siyang lumabas kasama ka--lahat nakadetalye sa utak mo na parang isang mahabang listahan ng una. Siya ang una mong pag-ibig at para sa’yo, siya na rin ang huli.
Pero kasabay ng unang pag-ibig na ‘yan, dumaloy din ang unang luha mo na hindi mo naman pinapakita dati sa akin. ‘Yung matatag at di matitibag na dating ikaw, parang kinakalawang na bakal na ngayon at ang daling magiba sa tuwing nagkakaproblema kayo.
Kasabay din nu’n ang pagbuhos ng sama ng loob mo dahil hirap na hirap ka na sa halos araw-araw na pag-aaway ninyo tungkol sa kahit na anong bagay. Pero kahit ganun, kinakaya mo pa rin. Minsan gusto mo nang sumuko, pero paggising mo kinabukasan, maaalala mong mahal mo siya at hindi mo siya kayang iwan.
Pero isang araw, nakaya niyang iwan ka.
Ngayon, wala na. Umalis na siya, kasi ayaw na daw niya, kasi hindi ka daw niya maramdaman. 'Tol, siya ‘yung manhid, hindi ikaw. Hindi mo kailangan sisihin ‘yung sarili mo.
Pride na ata ang bumusog sa’yo dahil kinain mo nang lahat ‘wag lang siyang mawala sa’yo.‘Tol, alam mo kung anong problema sa lahat-lahat ng binibigay mo? Wala nang natira sa’yo.
Pero alam mo, ‘yan ang hirap sa’yo e, una pa lang sinabi ko nang magtira ka para sa sarili mo. Sabi ko ‘di ba, makinig ka sa akin, dumaan na ako d’yan! Pero kahit araw-araw tayong mag-usap tungkol d’yan sa pag-ibig mong hindi nawalan ng isyu, ni isang salita hindi tumimo sa utak mo. Hindi ka nakinig sa payo ko.
Ang hindi ko maintindihan, hinahabol-habol mo pa rin siya kahit lagi ka niyang ipinagkakaila sa harap ng mga kakilala niya. Nagpakababa ka na at lahat, humihingi ng tawad sa kasalanang hindi mo alam kung ano. ‘Yan ang hirap sa relasyon n’yo, hindi mo naman talaga alam kung kailan siya naging totoo sa’yo.
Masakit marinig ang katotohanan ‘di ba? Masakit makita kung ano ka talaga sa kanya. Sana ‘wag mong masamain yung sinasabi ko sayo, kasi kailangan mong matauhan. Sa tibay mong ‘yan, akalain mong sinabi mo sa akin na parang mamamatay ka na sa sakit? Akala mo lang ‘yun!
Alam mo bang mahigit pitong bilyon pa rin ang populasyon ng mundo, mahigit sa kalahati siguro ang nasaktan na sa pag-ibig pero buhay pa rin sila! Hindi nabawasan ang tao sa mundo dahil sa sawi sila sa pag-ibig, nakakapagtaka nga’t dumo-doble pa lalo. Masikip pa rin ang mundo, kaya oo, magkikita at magkikita pa rin kayo.
Hanggang kailan kayang unawain ng puso mo ang sitwasyon?
Tol, wala na. Tapos na. Uwian na. Balik ka na sa sarili mo. Hindi mo kailangan magpakalugmok sa sitwasyon mo.
Karamihan sa mga tao dumadanas talaga ng pait ng unang pag-ibig. Kasi sa unang pag-ibig ka unang natututong bumangon, tumayo, matauhan, magising sa katotohanan, na ang relasyon nagiging habangbuhay lang kung parehas kayong magtutulungan.
Pero may mga bagay lang talaga na hindi natin pwedeng ipilit dahil hindi talaga iyon ang nakatadhana. Sana bumalik ka na sa mas matatag na ikaw. Hindi naman sa kanya umiikot ang mundo, kaya hindi din sa kanya hihinto.
Tandaan mo, ‘tol, sa lahat ng sugat, ‘yan lang ang sugat na tuturuan kang maging mas matatag at malakas. ‘Pag naghilom ‘yan, matagal man, ‘yang pilat na ‘yan ang magpapaalala sa’yo na sa pinakamalungkot na panahon ng buhay mo, kinaya mo, at sa panibagong pagkakataon, handa ka na--handa ka nang magmahal, hindi lang ng iba kundi higit sa lahat, ng sarili mo.
Kapag nagmamahal ka, hindi mo dapat iniiwan ang sarili mo, dahil kung hindi mo mahal ang sarili mo, hindi ka tunay na nagmamahal. Hindi kasakiman ‘yun, dahil ang kakayahan mong magbigay ay nakadepende lang sa kung anong meron ka.
Siguro, parehas lang kayong nagmahal ng sobra. Ikaw, minahal siya, at siya minahal lang ang sarili niya.
Matapos kong sabihin sa’yo lahat ‘to, alam kong hindi ka makikinig. Ilalaban mo pa rin ang natitirang isang porsyento ng pag-asa sa puso mo. Hindi na kita pipigilan pero hindi rin ibig sabihin nito na sinusuportahan kita. Pero minsan kasi, talagang kulang ang salita sa pusong nagpupumilit. Hahayaan na lang kita, dahil ginusto mo ‘yan, pinili mo ‘yan.
Sana lang dumating ang panahon na kahit ano pa man ang mangyari, manalo o matalo ka man sa laban mo, bumalik ka sa dating pagkakakilala ko.
Unang pag-ibig lang ‘yan, hindi ‘yan ang katapusan.
How do you unwrap a sealed love? https://instagram.com/gazellemarcaida/ |

***
Ang post na ito ay kalahok sa ispesyal na patimpalak ng Saranggola Blog Awards.
No comments:
Post a Comment