Nakakatuwa.
Ang simple ng lahat. Ang normal. I mean, normal sa paraang walang pilit o pagpapabango, pagpapapogi, o pagpapaganda. Normal lang.
Nakakakilig.
Si Lord kasi, nilagay sa isip ko ang bulaklak, pero sabi ko, ayokong magexpect. Sapat naman saking makasama siya sa gabing 'yun.
Pero ayun na nga, may nadaanan siyang flower shop.
In his words nga, "Si Lord talaga, gustong pasayahin si ate Gaze. Ako rin e, gusto ko rin siyang pasayahin."
Nakaka-amaze.
How two hearts seem to know each other and find confidence in being with each other, even though you're still going through the knowing each other stage.
Nakakatunaw.
'Yung malamlam niyang mata at mga titig na may kasamang ngiti.
Sa bawat pagkakataong gusto kong sabayan 'yung ginagawa niya, mas nauuna pang matunaw ang puso ko.
Salamat, Lord sa pagkakataong maging masaya kasama siya. :)
No comments:
Post a Comment