Ni Gazelle Marcaida
Nilibot ko ang aking paningin
Agad na itinanong sa akin
Ano itong panalangin?
Bakit binalot ng dilim?
Nakaposas sa nakaraan
Nakatali sa kinabukasan
Inalis, nasira, nagpumiglas,
Lumaban, nagpatuloy, sa wakas!
Sa puting dingding aking iginuhit
Hindi ang kahapon, hindi ang bukas
Kundi ang ngayong hindi magwawakas
Pagsilang ng kalayaang hindi ipagkakait
Hawak ang isang panulat
Tutuparin ang pangarap
Ako ang magtatakda ng ngayon
Walang bukas, walang kahapon
Sa pagsibol ng bagong panahon
Ang aking mundo'y magbabago
Sa guhit na mayroon ang dingding ng ngayon
Lumiwanag na ang totoo
Bawat linyang aking nilagay
Sinigurong lahat ay magkakamalay
Sa pagtatapos ng isang paraiso
Kalayaan ang aking natamo
Published in Tampipi, the Official Literary Folio of FEU Advocate, 2012
Tuesday, December 24, 2013
Tiket
*insert rewind sfx*
Okay, fine. Hindi talaga ako invited...
Nung una.
Pero invited nako.
Kasi inimbitahan ko yung sarili ko.
Hahahaha.
Plug ito ng susunod na review sa blog ko na ito.
Honestly, maliban sa nilamon ng kumpanya ang 24 oras ng buhay ko, hindi ko rin mahanap talaga ang inspirasyon na makapagsulat uli (mood writer kasi ako e -.-). Pero, months ago, may isang bagay lang talaga akong gustong isulat, pero akala ko di na matutupad.
Sobrang timing.
Bakasyon grande.
Maraming oras na magsulat.
Maraming oras na maka-attend sa isang napakagandang event.
Tiket... Sure na 'to! |
Sa wakas, may tiket nako! :3 <3
12.30.13
Subscribe to:
Posts (Atom)